148

Dec 31, 2019 @ 16:40
By

Clarkson muling pasiklab sa Utah, pinapreno ang Detroit

Tuloy-tuloy ang magandang performance ni Jordan Clarkson buhat nang malipat sa Utah Jazz.

Sa kanyang ikatlong laro para sa Salt Lake City, kumamada ng 20 points si Clarkson, apat na tres ang binuslo.

Samantala, 23 points naman ang ginawa ni Donovan Mitchell para pataubin ang Detroit Pistons, 104-81.

Nakatuwang na dalawa si Rudy Gobert na may 13 markers at 19 boards.

Kinubra ng Jazz ang kanilang ikawalong panalo sa siyam na laro.

20 points naman ang nilingkis ni Derrick Rose para sa Detroit habamg solido naman ang stat line ni Andre Drummond sa 15 points, 13 rebounds performance.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?