73

Jan 31, 2020 @ 15:47
By

Clarkson malaki ang utang na loob kay Kobe

Ilang NBA player ang naging inspirasyon ang Los Angeles Lakers legend na si Kobe Bryant.

Kasama na rito ang Fil-American baller na si Jordan Clarkson.

Swerte naman ang ngayo’y 27-year old player dahil nasungkit siya ng Los Angeles Lakers matapos i-pick ng Washington Wizards sa 2014 NBA Draft.

Sa LA ay naging kakampi niya si ‘Black Mamba’, na kilalang mahirap ma-please lalo na sa mga baguhan sa liga.

Sa column ni Homer Sayson na Spin Zone, kinuwento ng tatay ni Jordan na si Mike na dati niyang pinakiusap sa trainer na si Gary Vitti kung pwedeng makausap ng kanyang anak si Kobe para maturuan ukol sa basketball.

Ngunit naging matabang ang tugon ng trainer, sinabi na hindi nakikipag-usap sa rookie ang NBA star at kailangang patunayan ang kanyang sarili.

Tumatak ito kay Clarkson, at matapos ang training camp ay nakuha na nito ang tiwala ni Kobe na nilarawan pa siya bilang manlalaro na may “incredible work ethic and talent.”

“He decided to mentor and teach the rookie about fundamentals and the nuisances of the NBA. And for that Jordan is forever indebted for what Kobe did to build his confidence and propel his basketball career,” saad ni Mike.

“Our family is truly grateful and will never forget how Kobe took pride in his ‘rookie’. We thank him for what he taught the world about competitiveness, determination and hard work. Rest in peace, Kobe and GiGi. Much respect and love,” aniya pa.

Ngayon ay patuloy ang pag-arangkada ni Clarkson, tinawid ang Utah Jazz sa 14 panalo sa 17 na laro at isa na rin sa primyadong sixth man ng liga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?