41

Oct 18, 2020 @ 14:18
By

Clarkson jersey hindi mabenta kahit sale, Fil-Am pumalag!

Hindi papayag si Jordan Clarkson na may magsabing walang bumibili ng kanyang mga jersey.

Ito’y matapos na biruin siya ng kanyang kakampi sa Utah Jazz na si Joe Ingles nang magkaroon ng sale ang team store para sa kanilang mga jersey.

Banat ni Ingles, wala naman daw talagang magkakagustong bumili sa jersey ni Clarkson.

Syempre’y sumakay na sa huntahan ang Fil-Am guard at dinepensang sold out daw kaagad ang kanyang jersey sa loob ng 30 segundo.

Kung tutuusin, isa si Clarkson sa may malalaking fan base sa NBA dahil suportado ito ng mga Pinoy.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?