3,731

By

Clarkson ipinamigay sa Heat, makapaglalaro kaya sa Gilas?

Sharing is caring!

Hindi pa rin sigurado ang Samahang Basketbol ng Pilipinas kung makukuha nila ang clearance ng NBA para makapaglaro para sa Pilipinas ang Fil-Am guard na si Jordan Clarkson.

Napabalitang may go signal na ng Cleveland Cavaliers ang paglalaro ni Clarkson ngunit wala pa ring desisyon dito ang Asian Games Organizing Committee.

Aalis ng Pilipinas ang Gilas patungong Indonesia sa Linggo, Agosto 12.

Una nilang makakalaban ang Kazakhstan sa Agosto 16.

Noong 2015, dapat ay maglalaro para sa Pilipinas si Clarkson sa FIBA Asia Championship ngunit hindi umano tugma ang schedule ng nasabing torneyo sa Los Angeles Lakers.

May mga balita na nag-uusap ngayon ang Cleveland Cavaliers at Miami Heat para sa isang deal na ipapadala si Clarkson kasama sina Tristan Thompson at Kyle Korver sa Miami.

Kapalit naman nito ay magiging Cavaliers sina Hassan Whiteside at Dion Waiters o kaya naman si James Johnson.

Napunta si Clarkson sa Cleveland matapos i-trade ng Los Angeles Lakers noong Pebrero 8.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?