136

Clarkson: I will be there in heart and spirit

Sharing is caring!

Inihayag ni Cleveland Cavaliers guard Jordan Clarkson sa kanyang facebook account na kasama pa rin siya sa Gilas Pilipinas hindi man sa pisikal ngunit sa puso at diwa. Inamin niya rin na siya ay nadismaya pagkatapos siyang hindi payagan ng NBA na maglaro para sa Pilipinas sa nalalapit na 2018 Asian Games.

“I am terribly disappointed to say that I have not received the required consent to participate in the upcoming Asian Games with our National Team,” sulat ni Clarson sa kanyang Facebook post.

“Although I will not be there in person, I will be with my Gilas teammates in heart and spirit,” dagdag ni Clarkson.

Sinama ni head coach Yeng Guiao si Clarkson sa line-up na binigay nila sa Asian Games Organizing Committee. Binigyan ng go-signal ng Cleveland Cavaliers si Clarkson at pinayagan na rin siya ng Organizing Committee na maglaro subalit hindi siya binigyan ng clearance ng NBA.

Ayon sa NBA, sa FIBA-sanctioned events lamang pwedeng maglaro ang mga manlalaro ng NBA. Nadismaya naman dito sina Asian Games chef de mission Richard Gomez, Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio at Philippine Olympic Committee secretary-general Pato Gregorio.

Dinagdag pa ni Gomez na hindi siya manunuod ng NBA dahil sa nangyari.

Pinangungunahan nina Maverick Ahanmisi, Raymond Almazan, Beau Belga, Chris Tiu, Gabe Norwood at James Yap ang team. Kasama nila sina Paul Lee, Christian Standhardinger, Stanley Pringle, Poy Erram, at Asi Taulava.

Papalitan ni Don Trollano si Clarkson kung papayagan ng Organizing Committee.

“My desire and ambition to play with my countrymen in the future remain resolute and I am adamant that this dream will come true!” pagtatapos ni Clarkson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?