25

Feb 9, 2020 @ 15:22
By

Clarkson emosyonal sa pag-alala kay Bryant

Emosyonal ang pagbabalik-tanaw ng Fil-Am guard na si Jordan Clarkson nang i-retweet nito ang dating mensahe ni yumaong NBA star Kobe Bryant noong February 09, 2018.

Makikita sa tweet na tila proud si Mamba kay Clarkson bilang ‘young gun’ ng LA Lakers at kung may kailangan man sila, nandyan lang si Kobe upang tulungan siya.

@kobebryant: “Much luv to @JordanClarkson and @Larrydn22 two of my fav young guns. Do great things! You know where to find me should you need anything #fam,” tweet ng 41-anyos na cager, na nakalkal ni Clarkson.

Bulaklak na emoji naman ang sinagot sa caption ni Jordan nang i-retweet niya ito bilang pagbibigay pugay at pakikiramay nang kilalanin rin siya ng mahusay na manlalaro.

Matatandaang nagsama ang dalawang basketbolista sa LA Lakers taong 2014 hanggang 2018 bago ito nalipat sa Cleveland Cavaliers kasama si ‘The King’ LeBron James.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?