31

Apr 25, 2020 @ 16:33
By

Clarkson ‘di pa tanggap ang pagkawala ni Kobe

“I still don’t feel like… I don’t feel like he’s gone.”

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in kay Fil-Am Jordan Clarkson ang biglaang pagpanaw ni NBA legend Kobe Bryant na kanyang nagging kakampi sa Los Angeles Lakers.

Naging malapit sina Clarkson at Bryant sa LA, nagkasama ang dalawa ng tatlong taon bago ang retirement ni Kobe noong 2016.

“I still think he gonna come down from them Calabasas Hills and just like walk out of there. I ain’t really accepted it yet. I ain’t really answer no questions on it either,” ayon kay Clarkson sa panayam sa Uninterrupted.

Nagpasalamat din si Clarkson sa mga naituro sa kanya ni Bryant, na isa sa mga dahilan umano kaya’t hanggang ngayon ay naglalaro pa rin siya sa NBA.

“I mean he’s been one of the reasons, like, my career has lasted so long,” aniya pa.

Kinwento rin ni Jordan ang nangyari noong malaman niya ang masamang balita na nag-crash ang helicopter na sinasakyan ni Kobe, kasama din ang anak nitong si Gigi, noong January 26.

“I remember when it happened, I was at Utah, I was on the training table about to get ready for practice. And I’m sitting there like, man, hell nah. N**** ain’t dead,” saad nito.

“I start texting security, I start texting everybody. They like, Nah, JC, it’s real. I’m thinking its fake as hell. That’s like an every day routine for him though, that’s like us getting in the car.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?