18

Oct 21, 2021 @ 15:44
By

Clarkson bumida, Jazz wagi

Pinatunayan ni Fil-Am guard Jordan Clarkson na hindi tsamba ang pagwawagi niya ng Sixth Man of the Year award noong nakaraang season matapos umisok ng 18 points off the bench at tumulong sa 107-86 panalo ng Utah Jazz kontra Oklahoma City Thunder.

Si Clarkson ang naging sandigan sa opensa ng Jazz matapos alatin sa field goal shooting ang kamador na si Donovan Mitchell.

Umiskor si Mitchell ng 16 points ngunit sa 6-of-17 shooting bagamat may tatlong rebounds ito at apat na assists.

Halimaw naman si Rudy Gobert sa kanyang 16 points at 21 rebounds habang may 22 points pa si Bojan Bogdanovic para sa unang panalo ng Jazz sa season.

Samantala, si Shai Gilgeous-Alexander lamang ang bumida para sa Thunder sa kanyang 18 points at apat na rebounds.

Tangka ng Jazz ngayong season ang malampasan ang narating noong nakaraang taon kung san kinapos sila sa Western Conference Semifinals kahit lumamang na sa serye ng 2-0. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?