74

Dec 27, 2019 @ 16:34
By

Clarkson bubuhayin ang bench ng Utah

Nitong Martes, pinamigay ng Cleveland Cavaliers si Jordan Clarkson sa Utah Jazz kapalit ni guard Dante Exum at dalawang future round picks.

Ilang oras matapos maipasa ang customary physical exam, naglaro si Clarkson sa Jazz.

Pumasok ang Fil-Am 4:05 pa sa first quarter, makalipas ang isang minuto ang nagbaon ng pull-up jumper. Hindi nakita ng Jazz fans ang ganung tira kay Exum, No. 5 overall pick noong 2014.

Bumitaw ng nine attempts sa loob ng 11 minutes si Clarkson at umiskor ng 9, bagama’t wala nang naipasok sa tatlong tira sa second half ng 121-115 win ng Utah laban sa Portland Trail Blazers Huwebes ng gabi.

Pangunahing papel ni Clarkson ay buhayin ang nananamlay na bench ng Jazz.

Naga-average siya ng 14.6 points per game ngayong season.

Sa final game niya sa Cavs, umiskor ang 27-year-old ng season-high 33 sa 114-107 win laban sa Memphis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?