151

Apr 6, 2019 @ 17:45
By

Clarkson aprub sa NBA dream ni Sotto

Si Kai Sotto na nga kaya ang susunod sa yapak ni Jordan Clarkson bilang may dugong Pinoy na sasabak sa NBA?

Sa panayam sa Cleveland Cavaliers sixth man ni sports journalist TJ Manotoc, kanyang naitanong kung ano ang kanyang tingin sa dalawang Pinoy na posibleng makatungtong sa international league.

Unang naitanong kay Clarkson ang 2018 Fiba Under-17 World Cup MVP na si Jalen Green, na parehas niya ay Fil-Am din na lumaki sa Tate at kasalukuyang gumagawa ng pangalan bilang potential top pick sa NBA sa mga susunod na taon.

Positibo ang naging tugon ni Clarkson kay Green, saad na excited na itong makadaupang-palad sa court ang 17-anyos na manlalaro na ayon sa ESPN 2020 ranking ay nasa ikalawang spot sa buong Amerika.

“Really good kid. I’m looking forward to watching grow as a player and hopefully one day he’ll be able to step in the NBA court, make a name for himself,” pakli ng Cavs guard, na nakatigpas na rin ng franchise record bilang may pinakamaraming puntos off the bench.

Nang mapunta naman ang usapan sa 7-foot-3 center na si Sotto, sinabi nito na tama ang naging desisyon ni Sotto na mag-ensayo sa ibang bansa dahil sa ibang lebel ng kompetisyon sa Amerika at Europa.

“It’s good for him, just being able to learn something different or being around the game here in the States, being around overseas game in Europe,” saad ni Clarkson.

“It’s gonna be good for his growth. Like I said I wish the best for both (Green) of those guys and the make it here to the league,” aniya pa.

Paalala naman ng 26-anyos na NBA player sa dalawang prospect, panatilihin lamang ang pagpupursigi sa ensayo at maniwalang kaya nilang makatungtong sa pinakamalaking basketball league sa buong mundo.

“Just keep working, put your time in. Do what they say you can’t do and continue to push no matter what.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?