121
Clarkson abangers sa Gilas
Jul 28, 2019 @ 19:46
By

Clarkson abangers sa Gilas

Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang Cleveland Cavaliers guard na si Jordan Clarkson na makasalang bilang local player para sa Gilas Pilipinas sa parating na 2019 Fiba World Cup.

“I am just staying ready, waiting for the opportunity. It will happen. “If not, it is what it is. I’ll just suit up for another time,” ayon sa 27-anyos na Fil-Am guard.

Sakali namang biglang payagan ng Fiba body si Clarkson para sa PH national team, magiging madali na kay head coach Yeng Guiao ang pagsingit sa kanyang pangalan dahil kasama ang pangalan ng NBA sixth man sa 19-man pool na isinumite sa international tournament.

“I’m just being patient and standing ready,” aniya pa.

Sa ngayon, busy si Clarkson sa kanyang inorganisang 4 on 4 tournament na bebenipisyuhan ang mga beterano at kabataan, ngunit hindi pa rin ito nagpapahinga para paghandaan ang susunod na NBA season.

“I’ve just been working out and getting ready for the season, preparing. I’m just trying to have another great year, another great season,” saad ng 6’5” guard.

Dati nang nag-suit ng PH colors si Clarkson nang lumaro sa 2018 Asian Games.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?