28

Jun 23, 2022 @ 15:06
By

Clarita Carlos napisil si Piñol bilang food security adviser

Kinumpirma ni dating Department of Agriculture (DA) Secretary Emmanuel “Manny” Piñol ngayong Huwebes na pinili siya ni incoming National Security Adviser (NSA) Clarita Carlos bilang maging food security adviser.

Sa panayam ng Dobol B TV, sinabi ni Piñol na matagal na rin niyang kaibigan si Carlos.

“Yes [napili ako]. Actually, si Secretary Clarita Carlos kaibigan kong matagal na. She was my consultant when I was DA Secretary,” saad ni Piñol.

“Food security is an important component of national security,” dagdag pa niya.

Si Piñol ay itinalaga bilang DA Secretary noong 2017 ngunit nagbitiw noong 2019. Tumakbo rin siya para maging senador nitong nagdaang halalan ngunit nabigo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?