7

By

CJ Perez unstoppable, Lyceum Pirates, 11-0

Sharing is caring!

Binomba ng Lyceum of the Philippines University Pirates ang Jose Rizal University Heavy Bombers 82-74 para sa malinis na 11-0 kartada Biyernes sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Pumoste ng double-double si reigning MVP CJ Perez, 30 puntos at 16 na rebounds, para manatili ang Lyce unang pwesto habang nananitili sa dulo ng puwestuhan ang Heavy Bombers bitbit ang 2-9 karta.

Hindi naging madali ang panalo ng Pirates dahil sa loob ng tatlong quarter ay tangan ng Heavy Bombers ang kalamangan at mas magandang laro ang pinakita nito kaysa sa nakaraan.

Tangan pa rin ng JRU ang manibela papasok ng fourth canto 58-56 at umangat pa ito sa 68-63 sa natitirang 7 minuto.

Mula rito, kumawala ng 12-0 run ang Lyceum hanggang sa masikwat nito ang kalamangan at tuluyan nang manalo.

“JRU played well as expected they’re making their shots but again we found a way to get back actually they played well dun sa third quarter which was really evident on their play. They’re hitting the outside shot, even their big man is making the outside shot,” sabi ni Pirates head coach Topex Robinson.

Hindi man nakuha ang panalo, magandang laro parin ang pinakita ng JRU sa panguguna ni MJ Dela Virgen na may 18 puntos, isang rebound at tatlong steals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?