40

By

CJ Perez selyado na sa Columbian Dyip

Opisyal nang piyesa ng Columbian Dyip si 2018 PBA Rookie Draft No. 1 overall pick CJ Perez.

Nitong Huwebes ay pumirma na ng three-year maximum contract sa Dyip si Perez.

Si Perez ay dating NCAA Most Valuable Player na mula sa Lyceum of the Philippines University bago na-draft sa pro league noong Linggo.

Inaasahan siyang magiging sandigan ng Columbian sa kampanya nito sa PBA.

“Malaking bagay si CJ. He can give more energy, tapos he’s a good character player, he’s a team player,” ani Columbian coach Johnedel Cardel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?