1,506

By

CJ Perez sa Ginebra?

Isang top rookie ang malilipat ng koponan matapos ang isang conference.

Ayon ito sa tweet ng kilalang PBA insider na si dbuzzketball, at dinagdag pang iba pa ito sa napabalitang posibleng pag-trade ng Blackwater kay Bobby Ray Parks Jr.

“Fresh…. if negotiation doesnt go pffft, a top rookie is on his way to a new pba team via a monumental trade. Again, if plans dont miscarry and everything goes well in the ongoing negotiation,” ayon sa tweet.

Marami namang netizen ang bumuo ng prediksyon sa nasabing tweet, pinagpipilian ang dalawa pang top pick noong nakaraang draft na sina 3rd overall selectee Robert Bolick na nasa NorthPort at 1st overall CJ Perez sa Kia.

Saad sa mga rumor, Ginebra ang posibleng destinasyon ni Perez, na kung titingnan ay posibleng mangyari base sa mga piyesa ng Kings.

Maraming pwedeng ipalit ang Gins sa ex-Lyceum star, hitik sa mga manlalaro na mapapantayan ang value ng manlalaro. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?