74

By

CJ Peralta, may pinakamaraming nahatulang big-time drug suspects

Ang magandang performance sa pagiging hukom ang isa sa naging alas para masungkit ni bagong Chief Justice Diosdado Peralta ang pinakamataas na puwesto sa Korte Suprema.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, na maraming nagawang “landmark decisions” si Peralta na naging marka sa kanyang pagiging magaling na hukom.

Bukod sa mga hinatulang big-time drug suspects, si Peralta rin ang nagpapataw ng parusang kamatayan sa isang pulis na bumaril ng isang 11-anyos na batang nagpapalipad ng saranggola sa bubungan (People vs. Fallorina) at ang kauna-unahang nahatulan ng plunder na cashier ng Bureau of Internal Revenue (People vs. Manalili).

“Justice Peralta convicted the most number of accused involved in big-time drug cases and other serious crimes,” ani Panelo.

Ang mga aksiyong ito ni Peralta ang naging daan para igawad sa kanya ang Special Centennial Awards in the Field of Criminal Law ng Korte Suprema at Integrated Bar of the Philippines.

“His credible and no-nonsense management and expeditious disposal of heinous crimes and drug cases visibly strengthened the Philippine Criminal Justice System and help bolster and maintain respect, trust and confidence in our criminal courts,” dagdag pa ni Panelo.

Tiwala ang Malacañang na maipagpapatuloy ni CJ Peralta ang maayos na pangangasiwa sa hudikatura at ipapatupad ang prinsipyo ng judicial excellence, integrity at independence.

Si Peralta ay mahigit tatlong dekada nang nagsisilbi sa hudikatura bilang trial court judge, associate justice at presiding justice ng Sandiganbayan at associate justice ng Korte Suprema.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?