34

Mar 25, 2021 @ 22:37
By

CJ Peralta babu na sa Korte Suprema

Emosyonal na nagpaalam sa mga katrabaho niya sa Supreme Court (SC) nitong Huwebes ng umaga si Chief Justice Diosdado Peralta.

Nagwakas ito sa may 34 taong panunungkulan niya sa hudikatura.

Sinariwa ni Peralta ang pagsalang niya sa panayam ng Judicial and Bar Council noong Oktubre 2019, kung saan idinepensa niyang kulang man siya sa mga achievement ay maipagmamalaki naman ang mga naging trabaho niya tulad ng pagiging public prosecutor, judge at associate justice upang maging karapat-dapat na SC chief justice.

Pinasalamatan din ni Peralta, sa isinagawang retirement ceremony, si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtalaga sa kanya sa kabila na hindi siya honor student o topnotcher tulad ng mga naunang punong mahistrado.

Nakatakdang magretiro si Peralta sa Marso 27, at habang hinihintay ang pag-anunsiyo sa papalit sa kanya, si SAJ Estela Perlas-Bernabe ang magiging acting Chief Justice simula sa Sabado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?