7

Oct 20, 2020 @ 17:21
By

CJ magaling mang-agaw

Hindi mapapantayan ang kalidad ni Christian Jaymar Perez kung pang-aagaw ang pag-uusapan matapos nito itala ang pagiging runaway leader sa steals sa unang linggo pa lamang ng eliminasyon ng 2020 Philippine Cup bubble na ginaganap sa AUF Sports Arena & Cultural Center sa Clark, Pampanga.

Nagtala si Perez ng mataas na apat na steals kada laro habang kasunod nito si Jio Jalalon ng Magnolia na may 2.67 average.

Magkasalo sa ikatlo si Chris Ross ng San Miguel at Mark Barroca ng Magnolia sa parehong 2.33.

Ang pares ng NorthPort frontcourt nina Sean Anthony at Christian Standhardinger ang nasa top two spot sa players sa rebounding sa average na 12.33 at 10.67 habang nasa ikatlo si Perkins sa 10.5. Ikaapat si Trollano sa 10.33 at ikalima si Arwind Santos ng San Miguel sa 9.67.

Si Matthew Wright ng Phoenix at Anthony ang nangunguna sa assists sa average na 9 kada laro habang nasa ikatlo si Arwind Santos ng San Miguel sa 8.33. Ikaapat si Roosevelt Adams ng Terrafirma at ikalima si Mo Tautuaa ng San Miguel sa 7.5 at 7.33.

Una si Justin Chua ng Phoenix sa blocks sa average na 2.5 per game habang ikalawa si Japeth Aguilar ng Ginebra sa 1.67. Tabla si Brian Heruela at Dave Marcelo ng Phoenix sa ikaapat habang table din sina Javee Mocon at Beau Belga ng Rain or Shine sa ikalima sa average na 1.33.

Si Bobby Ray Parks ang No. 1 sa field goal shooting sa 72.41 percent habang si Jayson Castro ang una sa two-point field goals sa 77.78 percent. Si Prince Caperal ng Ginebra ang una sa three-point shooting sa 69.23 percent.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?