67

May 17, 2022 @ 19:31
By

CJ Cansino aprub na tawaging hawig ni Ka Leody

Isa umanong karangalan para kay UP Fighting Maroons guard CJ Cansino ang masabihan na kamukha ni Ka Leody de Guzman.

Kumalat kasi ang isang larawan ni Cansino habang may kasamang babae sa isang party.

Ang isang netizen na malikot ang utak, nilagyan ang larawan ni Cansino ng caption na “Pogi ni Ka Leody nung kabataan niya.”

Laptrip naman ang mga netizen sa naturang larawan.

Samantala, aprub naman si Cansino na hawig niya ang presidential candidate.

“Isang karangalan po mga ka leody,” saad ni Cansino sa kanyang Twitter post kung saan ibinahagi rin niya ang viral meme.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?