27

Oct 17, 2019 @ 16:42
By

CJ Bersamin sa negatibong survey: Huwag magalit

Don’t be angry – Ito ang payo ni Chief Justice Lucas Bersamin sa mga opisyal na nakatanggap ngayon ng negatibo o mababang satisfaction rating.

Sa survey na isinagawa ng Social Weather Station para sa ikatlong kwarter ng 2019, bumaba ang net satisfaction rating ng Supreme Court sa +41 mula sa +54 nitong Hunyo.

Nanatili naman sa +16 ang net satisfaction rating ni Bersamin nitong Setyembre mula sa +13 noong Hunyo.

Ayon kay Bersamin, walang punto ang sinoman para magalit sa survey dahil karapatan aniya ng bawat indibiduwal ang pagkakaroon ng survey.

“When you have a negative rating, we always look for the causes why we have had negative ratings,” ani Bersamin.

Isa sa mainam aniyang paraan para tanggapin ang negative survey results ay ang harapin ito ng buong buo.

“When people tell you oh may muta ka, ah siyempre alisin mo yung muta diba? ‘Di naman pwedeng oh wala akong muta awayin mo na ngayon yan. Maghilamos ka muna. Di ba? Baka malaglag ‘yung muta. That’s just putting it bluntly but that is in short what we do when we have negative publicity,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?