315

Jul 9, 2021 @ 13:33

Cindy sinising third party sa hiwalayang Kylie, Aljur

Naiipit ang sexy actress na si Cindy Miranda dahil sa hiwalayan nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Ito’y dahil magkatambal sina Cindy at Aljur sa bagong pelikula na ‘Nerisa’, kung saan mayroon silang love scene.

Isang netizen ang nagsabi kay Cindy na sana’y pure work lang ang kanilang gawin at huwag daw sana siyang manira ng pamilya.

Sinagot naman ito ni Cindy at nilinaw na hindi siya ang third party kina Aljur at Kylie.

“Yes. Very professional. I’m not the third party, thank,” sey ni Cindy.

Matatandaan na kinumpirma ni Robin Padilla, ama ni Kylie, ang hiwalayan nito kay Aljur.

Pahayag naman ni Kylie, nakasundo na sila ni Aljur sa co-parenting setup para sa kanilang mga anak na sina Alas at Axl.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?