30

Jun 13, 2020 @ 16:22
By

Cimatu tinira hepe ng Princesa

Umano’y galit na galit si retired Army general at Environment Secretary Roy Cimatu sa pinuno ng Puerto Princesa police, dahil sa ilegal nitong pag-aresto at umano’y pananakit sa walong tauhan ng DENR.

Matatandaang napaulat na tinadyakan, sinuntok at tinutukan pa umano ng baril ng pulisya ang mga kawani habang nag-iimbestiga sa isang bakawan sa Sitio Bucana, Barangay Iwahig sa Palawan noong Hunyo 10.

Giit ni Cimatu, ang hepe ng nasabing pulisya na si Police Director Col. Marion Balonglong ang nag-utos ng naturang detensiyon.

Gayunman, tiwala siyang “isolated case” lang ito na hindi makaaapekto sa ugnayan ng DENR at Philippine National Police.

“It is totally unacceptable that these environmental enforcers who continue to perform their duties despite the COVID-19 pandemic have to suffer violence at the hands of the police, who should be assisting them in their operations,” wika ng kalihim.

“As much as I’m furious at what happened to my men, I hope this incident won’t affect the cordial relationship and collaborative partnership the DENR has with the PNP in the fight against environmental crime,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?