18

Jun 30, 2020 @ 11:24
By

Cimatu: Cebu City ipako sa lockdown

Kung si Environment Secretary Roy Cimatu ang tatanungin, dapat ay ipanatili ang striktong community quarantine sa Cebu City, na namumurong susunod na episentro ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Cimatu, na tinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte para bantayan ang naturang lungsod, hindi pa rin maaring grumaduate sa enhanced community quarantine ang Cebu City.

“We have to maintain pa rin itong quarantine level here. My recommendation is that kailangan, per se, to stop the bleeding,” saad ni Cimatu sa ANC.

Sa ngayon ay 12 barangay ang nakalagay sa total lockdown sa lungsod, ito’y matapos na biglang sumirit ang mga kaso ng COVID-19 sa lugar dalawang linggo na ang nakararaan.

Dahil dito’y nagpadala na ng mga dagdag na police maging Special Action Force sa Cebu City para masiguro ang pagpapatupad ng ECQ.

“The intention naman talaga is actually not a show of force… Because of what we have done dito sa lockdown, I’m expecting na ma-reduce na, ma-stop the bleeding na ito,” paliwanag ni Cimatu.

Mayroon ng 4,639 kaso ng COVID-19 sa Cebu City, ang pinakamataas sa mga lungsod sa bansa,

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?