96

Oct 26, 2017 @ 12:22

Cimatu, binira sa pag-alis ng ban sa open-pit mining

Dismayado si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa hakbang ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na muling payagan ang operasyon ng open-pit mining.

Ayon kay Zarate, halatang trinabaho ni DENR Sec. Roy Cimatu na mabaligtad ang naunang ban na ipinag-utos ni dating Environment Secretary Gina Lopez laban sa open-pit mining.

Mas pinaboran aniya ng kalihim ang interes ng malalaking korporasyon.

“But instead, Sec. Cimatu parroted the position of mining corporations. To side with big business is disappointing for the environment secretary,” pahayag ni Zarate.

Sabi ni Zarate, ilang buwan pa lamang nakumpirma ng Commission on Appointments si Cimatu ay kaagad na nitong pinatay ang isa sa magandang nagawa ng ahensya na may kaugnayan sa pagmimina.

“A few months into his unencumbered confirmation to his post, Sec. Cimatu has killed off one of the best moves of the department in history, to ban open-pit mining,” ayon kay Zarate.

Iginiit ng kongresista na malaki ang naidudulot na pagkawasak sa kalikasan ng open-pit mining dahil sinisira nito ang mga bundok at kagubatan.

Kung hindi man tuluyang i-ban ni Cimatu ang open-pit mining, dapat naman daw sinuspinde muna ang operasyon habang may mga isinasagawang imbestigasyon. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?