198

Dec 21, 2017 @ 19:56

Cignal spiker Jovelyn Gonzaga, ‘di lalaro sa 2018 PSL dahil sa injury

Hindi makakalaro si Cignal star Jovelyn Gonzaga sa 2018 Philippine Super Liga Grand Prix.

Ito’y matapos lumabas sa MRI test na may pinsala umano ito sa kanyang kanang tuhod.

Nangyari ang ACL injury ng spiker, na mula sa Jordan, Guimaras, matapos ang masamang pagbagsak ng mga paa niya sa laban noong Nobyembre 21 kontra F2 Logistics.

Kinumpirma umano ng mga doktor na may ACL injury ito isang buwan matapos sumailalim sa MRI nang mawala ang pamamaga ng tuhod nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?