38

Oct 8, 2021 @ 15:26
By

CIBAC party-list ni Bro. Eddie sasabak muli sa halalan

Muling tatakbo ang CIBAC party-list ni Bro. Eddie Villanueva sa darating na halalan.

Ang CIBAC party-list ay isang multisectoral organization na naniniwala na mahalagang masugpo an korupsyon sa gobyerno upang tunay na magkaroon ng pagbabago at pag-unlad ang bansa.

Si Villanueva ang unang nominee ng partido at kasalukuyang House Deputy Speaker for Good Governance and Moral Uprightness.

Ang CIBAC ay nagsulong na maipasa ang iba’t ibang batas laban sa korupsyon gaya ng Anti-Money Laundering Law (Republic Act 9160), Government Procurement Law (RA 9184), Overseas Absentee Voting Law (RA 9189), Anti-Red Tape Act (RA 9485), GOCC Governance Law (RA 10149), Ease of Doing Business Law (RA 11032), pagpapalakas ng Office of Ombudsman Law (RA 11059) at GMRC and Values Education Law (RA 11746).

Isinusulong din ng partido ang pagpasa ng Freedom of Information (FOI) bill.

“The enactment of a Freedom of Information law is indispensable in ushering the country into a new level of transparent and good governance. This is one of the driving reasons why CIBAC Party-List continues to participate in the periodic elections—to remain the voice of righteousness that promotes and advocates good, transparent, and effective governance,” sabi ni Villanueva.

Batay sa datos ng Ombudsman, sinabi ni Villanueva na nasa 20% ng pondo ng gobyerno o P700 bilyon ang napupunta sa korupsyon taon-taon.

Ang halagang ito ay malaking tulong na umano kung ipamamahagi sa 111 milyong Pilipino. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?