9

May 8, 2021 @ 18:40
By

Chua: PBA balak simulan sa Hunyo

Inihayag ni Barangay Ginebra San Miguel team governor Alfrancis Chua na sa Hunyo ang tinatarget nilang petsa para sa pagsisimula ng PBA season.

Tiwala si Chua na matapos payagan ng Inter-Agency Task Force na muling mag-ensayo ang mga PBA teams ay magagawa nilang simulan ang season sa Hunyo 15.

Kung makakapagsimula ang season sa nasabing petsa, inaasahan na magagawang idaos ang dalawang kumperensya.

Gayunpaman, sinabi ni Chua na nakasalalay sa tagumpay ng magiging ensayo ng bawat koponan ang pagsisimula ng season.

“Bawat teams sa PBA, alam nila kung gaano kahirap kung paano kami nabuksan para maumpisahan ‘yung practice na 5-on-5. Hindi naman namin gusto na ensayo lang. Kung ensayo lang gusto namin, okay lang practice kami ng practice. Siyempre gusto namin makapaglaro. We have to prove to them na nag-eensayo kami, walang nahawa, wala lahat, para mapayagan na tayo,” ani Chua.

“Wag sila maging kampante. Dapat lalo kaming maging strict. If we want to stay and play the game, kailangan talaga sundin natin ‘yung tama. Ituring nila ang liga na ‘to na pamilya nila. Ituring nila na tayo nabigyan ng tsansa, wag na natin pakawalan,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?