48

Jan 18, 2021 @ 11:08
By

Chua dapat! Mga netizen umangal sa Most Improved Player

Para sa ilang netizen, mas may higit na deserving para sa Most Improved Player sa 45th PBA Special Awards nitong Linggo.

Sa social media, marami ang napaisip kung papaanong hindi nasungkit ni Justin Chua ng Phoenix Super LPG ang naturang parangal.

Sa nagdaang PBA bubble, isa si Chua sa mga sinandigan ng Phoenix na nag-average ng 13.2 points, 6.8 rebounds at 1.73 blocks kada laro.

Muntikan pa silang makaabot sa Finals bago yumuko sa TNT Tropang Giga sa semis.

Kung susumahin sa nakaraang 2019 PBA Governor’s Cup, malaki ang inangat ng performance ni Chua na noo’y nag-average lang ng 6.8 points, 3.0 rebounds at 1.0 blocks.

Gayunpaman, kay Prince Caperal ng Barangay Ginebra binigay ang naturang award, na naging starting center ng crowd-favorite team buhat nang magpahinga si Greg Slaughter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?