4

By

Christmas traffic rush aayusin ng 1,500 enforcer

Sharing is caring!

Nagkasundo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila na magpakalat ng 1,500 sa kanilang mga traffic enforcer para ayusin ang trapiko ngayong Kapaskuhan.

Sinabi ni MMDA Gen. Manager Jojo Garcia na kailangan na nila ang tulong ng mga lokal traffic auxiliary dahil bumibigat ang traffic tuwing Kapaskuhan.

Ibinahagi nito na tuwing Holiday season tumataas ng 20 porsiyento ang bilang ng mga sasakyan sa mga kalsada sa Kalakhang Maynila.

Kaya’t aniya, malaking tulong na kung ang bawat LGU ay makakapag-ambag ng 80 traffic enforcer na maitatalaga sa mga critical at choke point.

Ayon pa kay Garcia ang mga dedicated enforcer ay ilalagay sa mga national road at Mabuhay Lanes simula sa darating na Nobyembre 16.

Ipinag-utos din ni Garcia sa mga enforcer na tiketan ang mga lalabag sa illegal parking rule at obstruction.

Dapat din aniyang higpitan ng mga LGU ang one side parking rule.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?