655

By

Christmas Station ID ng ABS-CBN, nag-trending!

Like na like ng mga netizen ang inilabas na Christmas Station ID ngayong 2019 ng Kapamilya Network.

Nagustuhan nila ito dahil sumentro anila sa Love of Family kaya pinag-usapan ang mga hashtag na #FamilyIsForever, #ABSCBNChristmasStationID2019 at ABS-CBN.

Nagsama-sama sa video ang biggest and brightest stars ng ABS-CBN kabilang na ang KathNiel, sina Coco Martin, Susan Roces at Charo Santos-Concio.

Nalungkot naman ang mga netizen dahil wala rito si Angel Locsin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?