248

Dec 25, 2017 @ 15:24
By

Christmas message ni Cardinal Tagle: Palaganapin ang kultura ng kasiyahan

Ang Pasko ay panahon ng pagpapalaganap ng kabutihang-loob at tunay na pagkahabag sa kapwa.

Ito ang isa sa mga tinuran ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa kanyang Christmas message.

Ayon sa Cardinal, ang tunay na habag at kabutihang-loob ay nagdadala ng saya sa mga taong nangangailangan ng paghilom mula sa Panginoon.

“During Christmas, we try to make other people happy; and we are happy when we see them happy. We find creative ways of making the sick, orphan, prisoner, widow, hungry, homeless, and victims of violence and natural disasters feel they are important and loved. Seeing their smiles, we are moved to tears. As we give joy, we receive joy in return,” ang bahagi ng mensahe ni Archbishop Tagle.

Dagdag pa ng Cardinal, ang kultura ng pagpapalaganap ng kasiyahan sa pamamagitan ng pagliligtas ng buhay, pagbabahagi ng personal na pag-aari, pagpapatawad at pagtanggap sa kapwa ay nagdudulot ng mas pangmatagalang kaligayahan.

Aniya, ang kasiyahang ito ay nasaksihan sa mga drug dependent na nakatapos sa drug rehabilitation program at sa mga Muslim na nagligtas sa mga Kristiyano noong kasagsagan ng giyera sa Marawi.

Hinimok pa ng arsobispo ang mga mananampalatayang Katoliko na kahit hindi Pasko ay ipalaganap ang kultura ng kasiyahan, sa halip na kultura ng galit at karahasan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?