66
rape
Oct 18, 2017 @ 16:33

Christmas Day rapist, nadakma

Hindi na nakapalag ang isang 33-anyos na binata nang maabutan siya ng mga tauhan ng Las Piñas City Police sa Barangay CAA kahapon ng umaga.

Isinilbi ng mga tauhan ng Warrant Section kay Jorgen Rodriguez ang warrant of arrest na inilabas ni Judge Elizabeth Guray, ng Las Piñas Regional Trial Court Branch 202, dahil sa kasong rape.

Walang inirekomendang piyansa ang hukom kay Rodriguez.

Base sa record ng korte, ang kasong rape ni Rodriguez ay nag-ugat sa reklamo ng isang 17-anyos na dalagita.

Nabatid na ang panghahalay sa biktima ay nangyari noong nakaraang Pasko. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?