171

Dec 26, 2017 @ 15:47
By

Christmas Day celebration, generally peaceful – PNP

Mapayapa sa kabuuan ang ipinagdiwang na Araw ng Pasko sa buong bansa.

Batay ito sa naging pagtaya ng Philipine National Police (PNP) sa harap ng patuloy na monitoring ngayong Christmas.

Ayon kay PNP Deputy Spokesperson Supt. Vimelee Madrid, bagama’t wala siyang pagkukumparahan sa crime statistics ng nakalipas na taon sa pagdiriwang ng Pasko ay maikokonsiderang generally peaceful ang pagdiriwang nito.

Ito aniya ay dahil sa walang naitalang nasawi dahil sa indiscriminate firing o anumang malaking krimen na may kinalaman sa pagdiriwang ng Pasko.

Habang agad din aniyang naaresto ang pitong indibiduwal na nagsagawa ng indiscriminate firing kabilang na dito ang dalawang pulis na kinilalang sina PO1 Arnorld Gabriel Sabill at PO1 Marbin Jay Pagulayan.

Patuloy namang pinaghahanap ang pitong iba pa kasama ang isang pulis na si PO1 Saharani Maca-ayan dahil sa iligal na pagpapaputok ng baril.

Nakatutok naman ang PNP sa sitwasyon sa buong bansa para naman matiyak na magiging payapa ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?