122

Dec 10, 2017 @ 16:42
By

Christmas bonus, nakatulong sa positive family survey – BSP

Positibo pa rin ang kumpiyansa ng mga konsyumer ngayon huling buwan ng taon sa usapin ng paggasta ng pera.

Base sa isinagawang survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang positibong pananaw ng mga pamilya ay bunga ng inaasahan karagdagang kita at mas mataas na suweldo, dahil sa mga bonuses.

Bukod pa dito, batid ng mga konsyumer na marami ang magkakaroon ng trabaho dahil buwan ng Disyembre.

Ngunit sa usapin naman ng pangamba, ang mga idinahilan ng mga may negatibong pananaw ay ang mas mataas na paggasta, mas mataas na presyo ng mga bilihin, maging ang isyu sa seguridad.

Gayundin nangangamba rin sila sa pagkakaroon ng kalamidad at gastusin para sa kanilang kalusugan.

Ngunit sa pangkalahatan na confidence index (CI) ng mga konsyumer, bumaba pa ito sa 9.5 percent mula sa naitalang 10.2 percent sa mga buwan ng July, August at September.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?