155

Nov 18, 2021 @ 16:28
By

Christine Samson dedma sa paratang na ‘third party’ sa hiwalayang Wil, Alodia

Ipinagkibit-balikat na lang ng social media unfluencer na si Christine Samson ang pagkakadawit nito sa hiwalayang Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao.

Matapos mag-post ng blind item ni Xian Gaza tungkol sa dalawang influencer na naghiwalay dahil sa third party, marami ang nagturo kay Christine na siya raw ang third party sa nasabing isyu.

Ayon sa post ni Xian, nahuli umano ng babae ang kaniyang boyfriend na may kayakap na Star Magic actress sa isang hotel.

Sinasabi ng netizen na sina Wil at Alodia ang magkasintahan sa post, at si Christine naman ang kayakap sa hotel.

Ngunit may ilang din ang dumipensa sa influencer at sinabing hindi naman ito Star Magic artist kaya malabong siya nga ang third party.

Hindi na nagsalita pa si Christine sa pagkakadawit nito.

Nauna nang tinuro si Barbie Imperial na dahilan kung bakit naghiwalay ang magkasintahan, ngunit pinabulaanan ito ng kaniyang nobyo na si Diego Loyzaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?