534

Nov 30, 2021 @ 22:07
By

Christine, Julius Babao negative sa cancer

Nakahinga na nang maluwag ang mag-asawang sina Christine Bersola at Julius Babao.

Ito’y matapos lumabas na negative sila sa cancer sa pagsailalim sa colonoscopy at endoscopy sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig.

Sa Instagram post, inamin ni Christine na nakaramdam siya ng nerbiyos bago ang test.

“At age 51, today’s the first time na magpapa-Colonoscopy & Endoscopy ako. TBH, I’m Nerbyuz! But i Trust in Jesus our ultimate Healer, and Doctor Alexandra Laya, Doc Jonnel Lim, Doc Aquino and the Nurse Team of @stlukesmedicalcenter Taguig. Salamuch, Dear Doctors & Nurses. Salute!” sey ng broadcaster.


Sa isa pang post ipinakita ni Christine ang resulta ng kanilang mga test habang magkatabi sila ni Julius sa hospital bed.

“EARLY DETECTION IS THE KEY. PRAISE GOD! and THANK YOU, Doctor Laya! You took away my paranoia- and the thing i dread most- the Big C when you brought the good news that our polyps (3 for me, 4 found in Pappu J) are not cancerous,” sambit ni Christine.

Sa kabila nito, pareho raw silang na-diagnose na may GERD o gastroesophageal reflux disease dahil sa pagiging coffee lover.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?