76

Jan 10, 2021 @ 11:58
By

Christine Dacera nilibing na

Hinatid na sa kanyang huling hantungan ngayong Linggo ang flight attendant na pumanaw noong Bagong Taon na si Christine Dacera.

Naging emosyonal ang pamilya Dacera bago tuluyang ilibing ang labi ni Christine sa isang sementeryo sa General Santos City, Enero 10.

Natagpuang walang malay si Dacera, 23, noong Enero 1 ng tanghali sa bathtub ng kanyang hotel room sa Makati City matapos mag-New Year’s Eve party kasama ang ilang kaibigan.

Nag-CPR ang kanyang mga kaibigan kay Dacera, at sinugod ang huli sa Makati Medical Center kung saan ito dineklarang dead on arrival.

Inaalam sa ngayon ang tunay na sanhi ng ikinamatay ni Dacera, na batay sa medico-legal report ay ruptured aortic aneurysm pero naniniwala ang pamilya na hinalay ito at pinatay.

Magugunitang pinalaya ang tatlo sa 11 hinihinalang suspek dahil ayon sa pulisya, kulang pa ang ebidensyang hawak nila kaugnay sa pagkamatay ni Dacera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?