142

Nov 3, 2017 @ 11:00

Christine Bersola, kinilig sa ‘video greet’ nina Lee Min Ho at Gong Yoo

Natupad ang pangarap ni Christine Bersola-Babao na magkaroon siya ng dedication mula sa kanyang mga ina-idol na Korean actors. At ‘yun ay nakuha niya para sa kanyang birthday.

Naka-post sa Instagram ng misis na ito ng Kapamilya News and Public Affairs anchor na si Julius Babao ang personal dedication video greet sa kanya nina Lee Min Ho at Gong Yoo.

Una munang mapapanood si Lee Min Ho na nagpasalamat muna kay Christine sa pagbibigay-oras nito sa panonood ng kanyang mga K-Drama series.

Sa kanyang huling mensahe sinabi nitong “gorgeous inside and out” ang dating TV host.

Sumunod naman ay si Gong Yoo na tinawag na ‘friend’ si Christine at nagpasalamat rin sa panonood nito ng kanyang mga teleserye at pelikula. Inimbitahan ng nasabing Korean big star si Christine na bumisita sa Korea ng Summer at siguradong mai-enjoy nito ang cherry blossoms.

Sa Korean language idinaan ng dalawang actors ang pagbati nila kay Christine pero may English subtitles ito para maintindihan ng celebrant at ng mga nagbu-view ng video.

Isa sa mga best birthday gifts ang turing ni Christine sa pagbati ng kanyang mga idols.

@christinebabao, “One of the best bday gifts I got was this! Hahaha! Made me so happy & kilig. Made me LOL. Yezz Minho, I’m gorgeous inside and out! Yezz Gong Yoo, I will visit Korea someday and pay you a visit! Thank you @bengyaneza for this! Sakay lang! Walang basagan ng trip. Kakaaliw talaga e.”

Isa si Christine sa mga local celebrities na fan ng mga Korean actors pati ang kanyang mga anak, kaya hindi kataka-takang kiligin at matuwa ito nang husto sa natanggap na birthday message sa dalawang sikat na Korean stars.

Si Lee Min Ho ay nagbida sa maraming K-Drama at isa na rito ang “Legend of the Blue Sea”. Si Gong Yoo naman ang bida sa box-office hit na “Train to Busan” at K-Drama na “Goblin”. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?