81

Oct 17, 2019 @ 10:09
By

Christian mabuburo lang sa San Miguel

Marami ang nagtaas ng kilay sa trade na nagdala kay Christian Standhardinger sa NorthPort kapalit ni Mo Tautuaa.

Pero sa panig ng San Miguel Beer, kailangan nilang gawin ‘yun.

“Not a popular decision, but logical,” paliwanag ni Beermen coach Leo Austria.

Lunes ikinasa ang one-on-one trade ng dalawang dating top picks, Martes ay inaprubahan ni PBA Commissioner Willie Marcial.

Mabuburo lang aniya si Standhardinger sa Beermen, kailangan ng 6-foot-8 Fil-German ng team na mapiga nang husto ang kanyang talento. Sa kabilang banda, kailangan ng SMB ng matibay na back-up ni prized center June Mar Fajardo.

Solido na ang frontline ng San Miguel kina Fajardo, Arwin Santos at Kelly Nabong.

“Malungkot ako na nawala si Christian dahil alam naman natin, malaki naitulong niya sa championship namin in the last conference, even in the all-Filipino,” wika ni Austria.

“Pero nakita ko [na] hindi enough, kulang na kulang ang playing time niya because I have to stick kung ano core namin the last five years. Doon kami nananalo, eh.”

Punto ni Austria, minsan, nalalaglag sa rotation sa endgame si Santos sa import-spiced tournaments.

Malaking tulong si Standhardinger sa PH Cup, pumangalawa siya kay Fajardo sa team scoring at rebounds. Siya rin ang umangkla sa depensa kay TNT import Terrence Jones sa nakaraang Commissioner’s Cup na nagresulta sa league-leading 27th title ng SMB.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?