11

By

Christian Bautista tumangging mag-artista sa Indonesia

Sharing is caring!

Inamin ng Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista na tinanggihan niya na maging parte ng isang malaking reality show sa Indonesia dahil mas pinili niya ang mga trabaho dito sa Pilipinas, partikular na sa bakuran ng GMA-7 kung saan muli siyang pumirma ng exclusive contract.

Kahit busy raw si Christian sa preparations ng kanyang wedding with fiancee Kat Ramnani, nagagawa pa rin niyang ipagsabay ang trabaho niya bilang judge sa The Clash at muli siyang aarte sa isang teleserye na Pamilya Roces.

“I’m grateful for the work I have here, and ganun eh no, kung sino mauna talaga sometimes.

“Siyempre you give your best effort sa kung sino ‘yung na-promise mo, you have to honor that.

“And hopefully, other opportunities lalabas din later on. Lagi naming sinasabi, ‘puwede ba next year kami sumali?’ Para magawa din namin kahit papaano,” diin pa ni Christian.

Hindi pa sinasabi ni Christian kung ano talaga ang wedding date nila ni Kat. Kahit ang location ng kanilang pagpapakasalan ay maingat na hindi pa nire-reveal ng singer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?