24

By

Christian Bautista sa 2020 pa planong magka-baby

Sharing is caring!

Sinusuwerte si Christian Bautista na bukod sa hindi nababakante ng trabaho sa pagiging Kapuso, e, nagkakasabay-sabay pa ang mga bago niyang programa bago siya magpakasal.

Nag-pilot na nga ngayong Linggong ito ang primetime seryes na Pamilya Roces kunsaan, siya ang lawyer ng pamilya na may hidden attraction kay Carla Abellana. At ang bagong variety show ng network.

“Marami pong naiipon. Hahaha! Kailangan ‘yan dahil ang kasal nga, importante ‘yan sa amin but it’s just one day or few days. Ang importante talaga is family. How to prepare for the family, how to prepare for the kids. Baka in one or two years and the house, siyempre.” saad ng singer.

Papasok na nga siya sa pagiging family man pero aminado si Christian na mixed emotion ang nararamdaman niya.

“May excitement, may responsibility to be the family man. Merong pagpapaka-mature na kailangang gawin to put the marriage first, to put the family first. How to balance the schedule, how to balance time and give time to your future wife. ‘Yun ang mga naiisip ko.”

Pero ayon kay Christian, naka-ready na naman daw siya sa papasuking buhay. At if ever, gusto nila raw na one or two years muna after nilang magpakasal ang magka-baby ng fiancee niya na si Kat Ramnami.

Dalawa ang magiging kasal nila. Mauuna raw ang wedding nila sa Indonesia bago ang kasal sa Pilipinas pero lahat ng ito ay mangyayari ngayong taon in a Christian wedding.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?