314

Nov 9, 2017 @ 14:27
By

Christian Bautista jackpot sa sosyalerang dyowa

SA isang tsikahan with some socialites, marami kaming nalaman tungkol sa fiancé ni Christian Bautista, si Kat Ramnani.

In fairness, magagandang bagay ang narinig namin sa mga nakatsikahan namin tungkol kay Kat. Sobrang mabait at ma-PR daw si Kat at natutuwa sila na engaged na ito at si Christian.

Sabi pa ng isang kausap namin, “Do you know na ang taba noon ni Kat at bumilib kami sa kanya dahil ang laki ng ipinayat niya?”

Nag-Google pa ang isa sa mga katsikahan namin ng picture ni Kat noong mataba pa siya at bumilib kami sa nakita namin. Ang laki, as in ang laki-laki ng ipinayat niya, huh!

Eating right and healthy plus exercise ang dahilan ng pagpayat ng fiancé ni Christian, kaya marami talaga ang bilib sa kanya.

Sabi pa ng isa sa mga katsikahan namin, “Jun, tularan mo si Kat, papayat ka rin!”

Anyway, bibilib ka rin kay Kat dahil sa Google pala siya unang nag-work and after, sa Facebook, then Apple at kung saan-saan pa at napakagaling daw talaga ng fiancé ni Christian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?