85

By

Chris Tiu nagretiro na sa basketbol

Matapos ang makulay niyang karera sa UAAP at PBA, nagdesisyon si Chris Tiu na magretiro na.

Ginawa ni Tiu, 33, ang rebelasyon sa kanyang Twitter account.

Nagpasalamat ito sa mga taong tumulong para mahubog ang kanyang career.

“My heartfelt gratitude to every person who has been part of my basketball journey!! Most especially to our Lord who makes all things possible. It’s now time to move on. My heart is full. #17 signing off,” ani Tiu.

Taong 2012 nang mapabilang si Tiu sa PBA Rookie Draft at naging No. 7 pick ng by Rain or Shine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?