228

Feb 24, 2020 @ 11:15
By

Chris Tiu maraming pinaiyak na babae

Maraming pinaiyak na mga babae si dating PBA star Chris Tiu.

Totoo ito at ‘di maitatanggi ng actor-host dahil lantaran pa itong inamin sa social media ng mga lumuhang Eba.

Ang dahilan ng pag-iyak nila’y matapos silang matangay sa pagtugtog ng piano ng dating player ng Rain or Shine sa `Song For Brother’ na soundtrack ng kinababaliwan ngayong `Crash Landing On You’ o CLOY.

Hugot ni @GesmundoRich kay Tiu sa kanyang Instagram: “Naiiyak na naman ako. Nangaano ka eh!”

Pati ang netizen na si @LeogardaAnnett1 ay tila pabirong nanumbat: “In tears…Grabe ka Chris Tiu…” kung saan ilan lamang sila sa super nag-react sa nag-trending na Koreanovela.

Wait! Di lang sila ang affected dahil pati mga lalaking politiko, actor at TV host ay humugot din.

Sinasabing kabilang sa naadik sa CLOY sina Ai-Ai delas Alas, Anne Curtis, Ogie Alcasid, mag-asawang Isabel Oli at John Pratts, Shaira Diaz, Yasmien Kurdi, Jolina Magdangal at iba pa.

Hindi lang yan dahil pati sina newscaster Arnold Clavio, ex-Senator JV Ejercito at Mayor Sarah Duterte ay aminado at `di nagpaawat sa nasabing South Korean television series na napapanood sa Netflix.

Ang CLOY ay tungkol sa wagas na pag-iibigan ng isang South Korean heiress at ng North Korean army officer. Literal na napadpad sa North Korea dahil sa paragliding accident ang dalagang tagapagmana.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?