198

Chris Tiu kumamada ng 30-puntos sa posibleng huling ‘sayaw’

Kung sakali mang ito na ang huling laro ni Chris Tiu, lalabas siya ng walang panghihinayang.

Nakuha ng Rain or Shine ang panalo kontra NLEX 107-101 sa Smart Araneta Coliseum, sa kabila ito ng kakulangan sa tao lalo’t naglaro ang koponan na all-Pinoy sa pagkawala ni Terrence Watson.

Isa sa mga dahilan ng pag-usbong ng Rain or Shine ay si Tiu, na malakas ang ugong-ugong na isasabit na ang kanyang jersey ng permanente.

Nagliyab muli ang mga kamay ng 33-anyos, sa pangatlong sunod na laro ay naglista ng bagong career-high sa kinamadang 30 points sa likod ng 9 for 22 shooting para sa Painters. Mula 3-point range ay 3 for 14 lang siya pero 9 of 11 sa free throws.

Nang siya’y matanong kung ito na ba ang huling pagkakataon na makikita siyang naglalaro sa court, ito ang kanyang naging tugon.

“I’ve got a lot of things going on also outside of basketball. Just getting busier. I have personal commitments also. I have some projects of my own and I also have some obligations to my family,” pakli ni Tiu.

Nagpasalamat din siya sa management ng ROS dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya, lalo na kay head coach Caloy Garcia.

“I’m happy with my performance. I think given all my other commitments I did what I could to help my team … and I’m very thankful to coach Caloy (Garcia) because he gave me an opportunity this year more,” pakli ni Tiu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?