62

Dec 11, 2019 @ 18:59
By

Chris Ross pinasalamatan sa panalo ng Gilas

Isang makasaysayang gabi ang nangyari sa Philippine sports.

Ilang saglit lang nang masungkit ng Gilas Pilipinas women’s team ang kauna-unahang gintong medalya sa basketball 5×5 sa SEA Games, ginto rin ang kinubra ng men’s team.

Dinemolis ng Gilas Pilipinas men’s team ang Thailand, 115-81, para masungkit ang 13th straight SEA Games gold nito sa basketball tournament sa Mall of Asia Arena, Martes ng gabi, Disyembre 10.

Tinapos ng all-PBA national team ang tournament na undefeated.

Lumagare para sa Gilas si June Mar Fajardo sa 17 points at 13 rebounds habang may 16 markers at 11 boards si Christian Standhardinger.

Pitong Gilas players naman ang sumampa sa double digits habang pinatunayan ni Chris Ross ang pagiging magaling na point guard sa itinalang walong assists at walong puntos.

Saludo sa kanyang husay ang mga netizen at isa sa pinasalamatan sa panalo ng PH squad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?