10

By

Chris Ross nakipag-Q&A sa netizens

Sharing is caring!

Mukhang maraming energy si San Miguel Beer point guard Chris Ross para mang-entertain ng basketball fans at sumagot sa ilang katanungan ng netizens.

Sa Twitter, hinamon ni Ross ang followers ng question and answer portion.

Maraming fans naman ang nakisali sa Q&A.

Sa pagbubukas ng NBA free agency, marami rin ang nagtangkang magtanong patungkol sa usapin.

Bibo namang sumagot nang may halong humor si Ross.

Isang netizen ang nagtanong patungkol sa free agency.

“Thoughts on Marco Ballineli back to Spurs?,” tanong ni @joiegirl.

Biro ni Ross, “They should have signed me instead.”

Tanong naman ni @adrianborjaaa: “Is LeBron a good fit in Lakers?”

“He is a good fit in anywhere,” sagot ni Ross.

Bago rin ianunsiyo ng Lakers ang pagtungo ni LeBron sa koponan, tinanong ni @KotsLeo si Ross:

“Where do you think LeBron is signing?”

Walang pakundangan namang sinagot ni Ross ang tanong at sinabing sa “SMB”.

Patuloy pa rin hanggang sa ngayon ang Q&A portion ni Ross at ng netizens. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?