49

Chris Ross, Defensive Player of the Year

Sharing is caring!

Isa rin si Chris Ross sa mga may matinding ginawa para maka-back-to-back championships ang San Miguel Beer sa 42nd PBA season, kinopo ng Beermen ang Philippine at Commissioner Cups.

Kaya napabilang siya sa listahan na mga pararangalan ng PBAPC (Philippine Basketball Association Press Corps) sa 24th Annual Awards Night nito sa Nov. 30 sa Gloria Maris Restaurant sa loob ng Gateway Mall-Cubao.

Si Ross, 32, ang tatanggap ng Mighty Sports Defensive Player of the Year sa pangalawang sunod na taon makaraang talunin para sa karangalan sina Gabe Norwood ng Rain or Shine, Japeth Aguilar ng Ginebra, Jio Jalalon ng Star, at San Miguel teammate June Mar Fajardo.

Ang lima gayunnman, ang mga bubuo sa All-Defensive team sa dalawang oras na pormal na pagtitipon na ihu-host nina Rizza Diaz at Sev Sarmenta, kung saan ilulunsad din dito ang PBAPC Facebook page.

May espesyal na plake pa ang SMB guard sa event na hatid ng Cignal TV sa pagiging PBAPC’s Finals MVP ng Philippine Cup. Ramil Cruz.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?