43
chris
By

Chris Pratt nagsalita sa diborsyo kay Anna Faris

Nagsalita na sa unang pagkakataon ang Hollywood star na si Chris Pratt tungkol sa divorce nila ng estranged wife niyang si Anna Faris kung kanino meron siyang isang anak named Jack.

August 2017 noong gulatin ng Hollywood couple na maghihiwalay na sila pagkatapos ng walong taong pagsasama bilang mag-asawa. Nanatiling magkaibigan ang dalawa at naging co-parent sa anak nila.

Dahil sa hectic schedule ni Chris na ginagawa ang dalawang pelikula ng sabay (Avengers: Infinity War and Jurassic World: Fallen Kingdom), naiwasan niya ang media para mapag-usapan ang divorce nila ni Anna.

Nag-file si Chris ng divorce papers noong December 2017 at sumunod na rin si Anna na nag-file pagkatapos ng ilang araw lamang.

Sa latest interview ni Chris regarding sa divorce sa Entertainment Weekly, heto ang sinabi niya tungkol sa mga nangyari sa kanyang pamilya:

“Divorce sucks. But at the end of the day, we’ve got a great kid who’s got two parents who love him very much. And we’re finding a way to navigate this while still remaining friends and still being kind to one another.

“It’s not ideal, but yeah, I think both of us are actually probably doing better.”

Heto naman ang sinabi ni Anna sa E! News:

“Jack is surrounded by so much love. We constantly reinforce what a great kid he is.

“The key is surrounding him with a lot of joy and happiness, which he has a ton of.”

Kapwa hinihiling nina Chris and Anna sa korte ang joint custody sa anak nilang si Jack.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?