38

Chris Pratt at Katherine Schwarzenegger, engaged na!

Inanunsiyo ni Chris Pratt nitong Lunes na nag-“yes” sa marriage proposal niya ang panganay na anak ni Arnold Schwarzenegger na si Katherine.

Sa kanyang Instagram sinabi ni Chris na, “Sweet Katherine, so happy you said yes! I’m thrilled to be marrying you. Proud to live boldly in faith with you. Here we go!”

Una nito ay may post ng sweet birthday greetings sa kanyang “chief” si Chris noong December 14, 2018.

“Happy Birthday Chief! Your smile lights up the room. I’ve cherished our time together. Thrilled God put you in my life. Thankful for the laughs, kisses, talks, hikes, love and care,” ani Chris.

Unang ikinasal si Chris kay Anna Farris pero naghiwalay ang dalawa noong 2017 matapos ang walong taon ng pagiging mag-asawa, ayon sa Fox News.

Sa ngayon ay mayroon silang share custody sa kanilang anak na si Jack. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?